Handa na ba ako?
Handa na ba akong pumasok sa isang panibagong relasyon na medyo may pagkaweird na parang suspense-thriller ang dating? Handa na ba akong magmahal sa isang kapwa-babae? Handa na ba akong masaktan muli? Handa na ba akong pagdaanan ang lahat ng hirap at sarap sa isang relasyon? Handa na ba akong magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Handa na ba akong magpakatotoo para sa kanya? Handa na ba akong magmahal muli? HANDA NA BA AKO?
Mga tanong na laging umiikot sa isipan ko hanggang ngayon. Minsan na akong tinanong ng isa sa mga kaibigan ko na sigurado na ba ako sa gagawin ko. Sa totoo lang, ang taging masasagot ko lang siguro ay ewan…di ko pa alam.
Tingin nila kasi sa akin ngayon ay parang nagbabalak na akong ligawan siya. Sa totoo lang rin, wala talaga sa isipan kongayon ang pumasok sa isang relasyon. Una; kahit naghilom na ang sugat ng nakaraan, hindi pa talaga ako totally handa na pumasok sa isang relasyon. Pangalawa; ayoko pang maging committed sa ngayon, marami pa akong gustong tapusin at tuparin habang nag-aaral ako ngayon. Gusto kong tuparin yung pangarap ko. Isa pa kung magkakarelasyon man ako, mahahati na naman ang magiging resposibilidad ko sa buhay, mahirap ito. Pangatlo; Takot akong mareject. Sa totoo lang natatakot ako na hindi natanggap o ikahiya ako ng pamilya ko. Hindi pa nila alam sa isa akong bisexual, at hindi yun ganon kadali na sabihin yun sa kanila kahit sa mga kakilala ko. Pang-apat; Emotionally Unstable pa ako. Nung first break-up ng ex-boyfriend ko, nawalan ako ng confidence sa sarili at medyo mahihrapan ako kapag pumasok agad ako sa isang relasyon na hindi pa totally fix ang emosyon ko. Alam kong inlove talaga ako sa isang babae pero may mga li,itasyon din ako sa sarili kong emosyon pagdating sa pag-ibig. At ang panghuli; Walang kasiguraduhan. Di ko lang alam kung dapat pa ba akong maghintay o umasa. Natatakot din ako nito sa ngayon. Ewan ko ba.
Nung single at free ako, maraming masasamang bagay na nagagawa ko at lagi ako umiinom. Yung ang lagi kong kinakatakutan kapag loveless ako at unispired. Para lang akong isang zombie na hindi alam kung saan direksyon pupunta. Pero nang umibig ako muli(kahit wala pang kami), naiwasan ko nang gumawa ng mga walang kwentang kabalastugan, ayun nagbago na nga ang lahat sa akin nang maging inspired ako nang dahil sa kanya. Kahit papano nagiging maingat na ako, ayokong pabugso-bugso sa mga desisyon ko at lalo na sa emosyon ko. Natuto na akong bigyan ng limitasyon ang sarili ko. Mabuti na rin siguro yung maging inlove ako sa kanya dahil naiiwasan kong gumawa ng mga masasamang kalokohan. Nagiging matino din ako kung tutuusin.
Ayoko kasing madaliin ang lahat ng yun. May mga bagay na gusto ko pang malaman lalo na pagdating sa kanya, gusto ko pa siyang kilalanin ng lubos. Mababago ko man ang sarili ko, pero hindi parin mababago ang pananaw ko, depende na rin yun. Ayokong maging hipocrito sa sarili ko, gusto ko magpakatotoo kahit minsan mahirap pero kakayain ko parin kahit papano. Darating ang panahon na liligawan ko siya, at kung sakali man maging kami, magiging responsable na ako sa sarili kong desisyon at sa ibang bagay na pwedeng makakaapekto sa aming relasyon kung sakaling maging kami. Kahit gaano ko pa siya kamahal, gusto ko parin ingatan ang sarili ko.
Sa ngayon, gusto ko maging inspired at laging inlove sa kanya. Sa tingin ko rin, handa na akong pasukin ang ganon relasyon at handa na akong ligawan siya. Pero sa ngayon, magiging maingat ako.

